Pakikipagsosyuhan sa mga komunidad

 

Ang aming diskarte

Ang aming mga kaakibat sa komunidad ay tumutulong sa amin sa magkaparehang-pagdisensyo ng mga diskarte na tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga komunidad. Ang ibig sabihin nito ay nakikipagtulungan kami sa isang grupo ng mga miyembro ng komunidad upang makilatis kung paano ang pinakamahusay na paraang makaharap, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad para sumali sa OurDNA.

Sa pagtutulungan, inaaasahan namin na makaugnayan ang libo-libong mga nagkakaibat'-ibang kinagisnang Australyano na maging bahagi ng OurDNA at hubugin ang kinabukasan ng pangkalusugang pangangalaga.

Masinsinan din kaming nakikipagtulungan sa mga kinatawan mula sa multikultural na sektor na siyang nagpapayo sa amin tungkol sa mga pagdedesisyon sa malawakang programa. Kasama ang Australian Multicultural Health Collaborative, na isang inisyatiba ng Federation of Ethnic Communities' Councils of Australia, pinagsama-sama namin ang mga  grupo ng tagapayo na tumutulong sa amin upang matiyak na ang mga karaniwang ikagagaling ng komunidad ang pinakasentro sa OurDNA, sa pagbibigay ng masasabi (input) sa mga bagay-bagay tulad ng kung paano kami nagbabahagi ng mga datos.

 

Ang pagkakaibang nagawa mo

Pakikipagtulungan sa OurDNA
Partner with OurDNA

Are you interested in learning about and helping the OurDNA program to advance medical research that might benefit your community members? Please let us know by filling in this form. A member of the team will be in contact with you soon.

Please select your preferred level of participation

Ang aming mga kaakibat sa komunidad

Maraming mga samahan at indibidwal ay nakikipagtulungan na sa OurDNA. I-klik ang button upang makita ang lahat ng aming mga kaakibat at alamin ang tungkol sa kanila.

Ang aming magkasamang-dinisenyo na mga ulat

Mahalaga ang magkasamang-dinisenyo para sa OurDNA. Ang aming mga pahayag sa workshop ay bahagi lamang ng proseso sa pakikipagtulungan na katuwang ang mga miyembro ng komunidad upang matiyak na nakakatugon ang programa sa kanilang mga pangangailangan.

 

Paparating na mga kaganapan

Sumali sa aming kaganapan sa komunidad upang malaman ang karagdagan at maging bahagi ng pagbabago.

Walang paparating na mga kaganapan

Mayroon ka bang mga katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.

Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:

  • Maipasama ang mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa henetiko na pananaliksik (genomic research);
  • Galugarin ang pagkakagamit at katuturan ng genes ng tao sa kalusugan; at
  • Paghusayin ang pagtutuklas at paggagamot sa mga sakit na henetiko (genetic diseases).

Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.

Ang OurDNA ay pinopondohan ng: 

  • Ang Centre for Population Genomics’ na mga institusyong nagtatag nito: Garvan Institute of Medical Research at Murdoch Children’s Research Institute
  • Mga taong nagbigay ng pera para sa aming pananaliksik
  • Ang pagpopondo para sa pananaliksik na ito ay ipinagkaloob din ng Australian Government’s Medical Research Future Fund (MRFF) grant 2015969 (CIA Daniel MacArthur; 2022-2027) gal-ing sa Genomics Health Futures Mission at ng National Health and Medical Research Council (NHMRC) investigator grant 2009982 (CIA Daniel MacArthur; 2022-2026). Ang mga nilalaman ng lathalaing materyal na ito ay nagsusulong kapanagutan ng mga may-akda at hindi naglalarawan sa mga pananaw ng Commonwealth of Australia o ng NHMRC.
  • Ang OurDNA na programa ay tumatanggap din ng suporta mula sa Google’s Digital Future Initia-tive. Basahin dito ang karagdagan tungkol sa pagtutulungang ito. 

Oo, ang proyektong OurDNA ay inaprubahan ng sertipikadong Human Research Ethics Com-mittee (HREC) ng Royal Children’s Hospital. Ang sanggunian ng aming etikong pagka-apruba ay: HREC/91986/RCHM-2023

Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa proseso ng mga etikong pag-apruba sa OurDNA, o nais makipag-usap sa isang independiyenteng tao ng pangkat ng tagasaliksik, maaari mong kontakin ang Director of Research Operations na nasa The Royal Children’s Hospital. Maaari mong tawagan ang Director sa (03) 9345 5044 o mag-email sa kanila sa rch.ethics@rch.org.au

Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.

Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:

  • Nasa mahigit 18 taong gulang
  • Mayroong Medicare
  • Makakapagbigay ng sampol ng dugo sa Victoria o sa New South Wales
  • Sariling pagtutukoy na mayroong kanunuan mula doon sa isa sa mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa mga hinetikong mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
  • Ang mga tao ay hindi makakasali kung sila ay o alinman sa kanilang malapit na kamag-anak sa pamilya ay may kilalang grabeng sakit sa henetiko, katulad ng cystic fibrosis o muscular dystro-phy. Hindi kabilang dito ang mga karaniwang sakit kagaya ng inflammatory bowel dis-ease, kanser o diabetes.

Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:

  • East African (hal., Ethiopian, Kenyan, Mauritian, Somali, South Sudanese, at Suda-nese)
  • North African at Middle Eastern (hal., Assyrian, Chaldean, Egyptian, Iranian, Iraqi, Jordanian, Lebanese, Palestinian, Syrian, at Turkish)
  • Oceanian (hal., Fijian, Papua New Guinean, Samoan, at Tongan)
  • South-East Asian (hal., Cambodian, Filipino, Indonesian, Malay, Thai, at Vietnamese)

Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.

Habang hindi naman kami direktang nakikipagtulungan sa mga katutubong komunidad, kami ay aktibong miyembro ng ALIGN at CONNECT na consortia, pambansang pagkilos na pinangungunahan ng mga gawaing katutubo na nagtatrabaho upang bigyang kakayahan ang mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander sa henetikong panggamot at pananaliksik.

Nagbibigay kami ng teknikal na payo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng genomic data na maging naaayon sa bansa, nababagay sa kultura, etikal na pagtatago, pangangasiwa at pakikibahagi ng genomic data upang makinabang ang mga katutubong Australyano.