Ang OurDNA Browser ay isang database na mahahanapan ng impormasyon, isang pampublikong database ng buod na mga datos tungkol sa pagkakaiba ng henetiko (genetic variation). Makakatulong ito sa mga doktor at mananaliksik na:
Makikita ng mga doktor at mananalisksik ang mga direksyon na tinatakbuhan at mga modelo batay sa impormasyon, at hindi sa kung sino ang pinagmulan ng impormasyon. Ang OurDNA Browser ay bahagi ng isang pandaigdigang ugnayan (network) at aalalay sa iba pang mga mapagkukunan ng ikinaibang henetiko na nandiyan na at makukuha.
Ang OurDNA Data ay isang nakaseguridad na bangko ng impormasyon tungkol sa biyolohikal at pangkalusugan na impormasyon. Ligtas na itatago nito ang henetiko at iba pang kaugnay-sa-kalusugan na impormasyon ng mga taong lumahok sa OurDNA para sa medikal na pananaliksik sa hinaharap.
Ang OurDNA Data ay isang mapagkukunan na gagamitin ng mga aprubadong pangkalusugan at medikal na mananaliksik na magtatrabaho upang makinabang ang mga komunidad ng Australya. Ang pananaliksik ay dapat na tumutugon sa kriteryang binubuo ng mga multikulturang tagapayo ng OurDNA. Ang mga tagasaliksik ay hindi makakakita ng anumang mga personal na detalye ng mga taong lumahok sa OurDNA.
Pakay ng OurDNA ang pinakamalaking posibleng epekto sa pangangalagang pangkalusugan at medikal na pananaliksik sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga proyektong pananaliksik na dadaan sa isang ligtas na bangko ng DNA at mga selyula. Ang OurDNA ay mangongolekta at ligtas na itatago ang mga donasyong dugo ng mga tao, mga selyula at DNA para pag-aralan ng mga mananaliksik sa hinaharap.
Gagawing mas madali ng OurDNA na bangko ng sampol ang pagsasagawa ng pangkalusugan at medikal na pananaliksik na makikinabang ang mga komunidad ng Australya sa hinaharap.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Kung sumali ka sa OurDNA, ang iyong henetikong impormasyon ay pagsasamahin sa marami pang ibang henetikong impormasyon ng ibang mga tao, ibubuod at ilalagay sa mga pampublikong database para makatulong sa mga doktor at tagasaliksik na makita ang mga nauuso (trends) at tularan (pattern) na nasa data. Ang mga taong gumagamit ng mga pampublikong database ay hindi makakakita kung saan nanggaling ang impormasyon.
Ang mga tagasaliksik sa kalusugan at medikal sa buong mundo na labas sa OurDNA ay maaaring mag-aplay upang tumingin at magtrabaho gamit ang iyong mga sampol at impor-masyong nakolekta sa pamamagitan ng proyekto ng OurDNA. Hindi posibleng mahuhulaan ang lahat ng mga paggagamitan ng iyong data at mga sampol sa hinaharap. Ngunit, ang iyong mga sampol at data ay gagamitin lamang sa mga etikal na aprubadong pananaliksik sa hinaharap.
Depende kung ano ang pinayagan mo, ang iyong di tinu tukoy na datos (wala ang iyong personal na detalye) ay maaaring gamitin sa mga pananaliksik na kasangkot ang mga ahensya ng pamahalaan, tulad ng Department of Health.
Ang data na makakatukoy sa iyo (iyong personal na detalye) ay kumpidensyal na itatago. Hindi namin ibabahagi itong impormasyon maliban kung kami ay pormal na kinailangan ng batas at wa-la kaming pagpili na magagawa. Mangyayari lang ito sa pinakabihirang mga sitwasyon tulad ng kung ang impormasyon ay na-subpoena sa isang kriminal na imbestigasyon ng seryosong krimen. Ang paggamit nitong data ay mangyayari alinsunod sa kaugnay na mga pang-pederal at estado na pampribadong batas.
Ang OurDNA Browser ay isang pampublikong mapagkukunan na sinadyang ipapagamit sa mga doktor at tagasaliksik na may kasanayan sa genetics at genomics. Ang pampublikong katangian nitong mapagkukunan ay nangangahulugang mas maraming doktor at tagasaliksik ang makaka-access sa Browser, na mauuwi sa mas mabilis na mga siyentipikong pagsulong at mga benepisyo sa pangkalusugang pangangalaga para sa mga lumalahok na komunidad.
Magagamit ang OurDNA Browser para sa siyentipikong pagtutuklas, isang mas mahusay na pag-unawa sa kalusugan at mga kondisyon sa kalusugan (sakit), at para makapag-diyagnosis ng mga kondisyong henetiko sa mga komunidad na kulang sa kinatawan. Ang mga gumagamit ng Browser ay inaasahang magsa-alang-alang ng benepisyo para sa komunidad, mga epektong etikal at may-responsibilidad na pagrereport kapag tinatrabaho ang mga datos.
Ang data na nasa Browser ay hindi dapat gamitin para matukoy ang mga indibidwal na sumali sa OurDNA o para lumikha ng o magpanatili ng pagkakategorya tungkol sa mga komunidad.
Ang buod ng data mula sa henetikong impormasyon na available sa OurDNA Browser ay isasa-ma sa internasyonal na ugnayan (network) ng gnomAD databases. Ang gnomAD ay isang henetikong mapagkukunan na may pakay na maglarawan ng pandaigdig na pagkakaiba't-iba sa pamamagitan ng pagsasama ng buod na datos galing sa mga proyekto tulad ng OurDNA sa North America, South America, Europe, Africa, Asia at Australia. Maa-akses ito ng mga doktor at tagasaliksik sa buong mundo upang makita ang mga nauuso (trends) at tularan (patterns) sa impormasyon, ngunit hindi sa kung sino ang pinanggalingan ng impormasyon.
Ang pagkakaroon ng nagsosolo, kumakatawan na database ay magbibigay kakayahan sa mga doktor at tagasaliksik sa buong mundo na maka-akses sa impormasyong kailangan nila upang madiyagnosis at mas maunawaan ang iba't-ibang mga kondisyon sa kalusugan (sakit). Ang gnomAD database ay nakatatag sa Broad Institute of MIT at Harvard sa Cambridge, Massachu-setts.
Ang mga aprubadong tagasaliksik sa kalusugan at medikal na labas sa OurDNA ay maaaring mag-aplay upang tumingin at magtrabaho gamit ang mga sampol at impormasyong nakolekta sa pamamagitan ng proyekto ng OurDNA. Ang iyong mga sampol at datos ay gagamitin lamang para sa etikal na aprubadong pananaliksik sa hinaharap at para lang sa mga kadahilanang sinang-ayunan mo.
Kapag nagbahagi kami ng iyong data o mga sampol sa mga aprubadong tagasaliksik, papan-gasiwaan namin ito nang may seguridad at tatanggalin ang mga personal na detalyeng nagtutu-koy sa iyo. Magbibigay lamang kami ng akses sa mga aplikante sa impormasyon ng iyong ka-lusugan at henetiko kung sila ay pumayag na hindi kailanman gagamitin ang impormasyon upang masubukang matukuyan ikaw.
Ang mga aprubadong tagasaliksik ay maaaring nasa Australia o ibang bansa, kabilang ang mga unibersidad, ospital, mga institusyon sa medikal na pananaliksik, at mga hindi-para-kumita na mga samahan; o mga tagasaliksik na bahagi ng hindi-para-kumita na mga kompanya sa biomed-ical, pharmaceutical, teknolohiya o diagnostic testing.