Ang misyon ng OurDNA ay palaging ang pagtitiyak na makikinabang ang lahat ng mga komunidad sa mga pagsulong tungkol sa kalusugan. Nang dahil ang AI ay naging bahagi na kung paano ginagawa ang henetikong pananaliksik, gusto rin naming makatiyak na ang lahat ng mga komunidad ay makikinabang sa mga nangyayaring pagsulong sa teknolohiya sa kalusugan.
Mahalaga ito dahil ang AI ay natututo mula sa mga datos. Ang karamihang datos ng henetiko na napag-aralan sa pananaliksik ngayon ay nagmula sa mga taong may ninunong galing sa Europa. Iyan ay dahil sa ang pananaliksik ay palaging hindi nagsasama ng ibang mga komunidad, hindi naman nang dahil sa may anumang bagay tungkol sa mga komunidad mismo. Kaya bilang resulta nito, maraming mga komunidad ang nananatiling kulang sa representasyon sa datos na ito.
Kapag nalaman ng mga kagamitan ng AI na hindi kumpleto ang datos, magiging kulang ang kanilang nagawa para sa mga mababang kinatawan na mga komunidad. Sa halip na isara ang mga puwang sa kalusugan, lalo nitong palalakihin ang puwang. Ang bagong teknolohiya ay hindi laging ginawa na ang mga pangangailangan ng bawa't komunidad ang nasa isipan, at iyan ang nais naming mabago.
Naniniwala kaming ang pinakamabisang paraan para matigil ang AI sa pagpapalaki nitong mga puwang ay isama mula pa sa simula ang mga komunidad na nasa datos na natutunan ng AI. Ang OurDNA ay nagbubuo ng genetic data na maglalarawan sa lahat ng mga komunidad ng Australia. Ito ay makakatulong sa pagtitiyak na ang mga bagong medikal na pag-unlad at ang mga teknolohiyang ginawa para sa mga ito ay magiging ayos para sa lahat.
Sa mabuting pagkakagamit, ang mga AI na kagamitan ay hindi lang magpapabilis ng pananaliksik. Makakatulong pa itong magawang mas patas.

Sa OurDNA at Centre for Population Genomics (CPG), lagi kaming naghahanap ng mga mas mahusay na paraan para maunawaan ang genetic data. Ipinaliwanag ni Professor Daniel MacArthur, Director ng CPG:
Ang pagbasa sa DNA ay hindi na siyang mahirap. Kundi ang pag-intindi nito.
Halimbawa, kapag natagpuan ng mga siyentipiko ang pagbabago sa DNA ng sinuman, kailangan nilang matukoy kung ito ba ay hindi mapanganib o makakaapekto ng kalusugan. May milyon-milyong posibleng mga pagbabago at ang mano-manong pagsusuri ng bawa't isa ay isang mabagal na proseso. Ang mga kagamitan (tools) ng AI ay makakatulong sa paghula kung anong mga pagbabago ang pinaka-maaaring mangyari, kaya ang mga siyentipiko ay una munang nagpopokus sa mga bagay na iyan.
Iyang mga kagamitan (tools) ang pinakabagong hakbang sa paglutas ng mga problemang kagaya nito at tumutulong ang mga ito sa mga siyentipiko na makahanap ng mga kasagutan sa madaling panahon para sa mga pamilya.
Gumagamit ang CPG nitong mga kagamitan (tools) sa aming pananaliksik ng rare disease at tumutulong din kami sa pagbuo at pagpapahusay ng mga ito. May pakinabang lang ang isang kagamitan (tool) kung ito ay eksakto at maaasahan, kaya sinusuri namin nang maingat bago gamitin ang mga ito sa pananaliksik na makakaapekto sa kalusugan ng mga tao.
Mahalaga na magkalinawan tayo sa kung ano ang hindi mababago ng AI. Ang AI tools ay isang paraan sa pag-aaral ng mga datos, katulad ng iba pang mga kagamitan na aming ginagamit. Hindi nila mababago ang mga pangakong ginawa namin para gawing ligtas ang iyong impormasyon.
🔒 Pagkapribado at seguridad
Ang pagpapanatiling ligtas at pagkapribado ng iyong impormasyon ang aming pinaka-prayoridad. Ang iyong personal o pagkakilanlan na impormasyon ay hindi lumalabas sa aming naka-seguridad na kapaligiran.
🏥 Para lang sa medikal na pananaliksik
Ang mga sample at impormasyon na iyong ibinigay ay gagamitin lamang sa pangkalusugan at medikal na pananaliksik.
✅ Nasa iyong pagpili
Ang pakikilahok ay palaging nasa sa iyo ang pagpili at maaari mong piliing umayaw sa anumang oras.
🤝 Patas na pag-access
Ginawa namin ang katiyakan na makikinabang ang bawa't komunidad mula sa mga tools na ito.
🔍 Maingat na pangangasiwa
Masusi naming binabantayan ang anumang kagamitan (tool) na ginagamit ng aming tagasaliksik sa kanilang pag-aaral ng impormasyon mo.
⚙️ Pagkamalinaw
Kami ay laging magiging malinaw tungkol sa kung paano, saan at kailan namin gagamitin ang AI tools.
Ang AI ay may malaking gagampanang papel sa hinaharap ng genetic na pananaliksik. Habang ang mga tools na ito ay yumayabong, lubos kaming makikipagtulungan sa aming Multicultural Advisory Group, ang grupo na tumutulong sa pagpapanatiling nakalagay sa sentro nito ang mga kapakinabangan ng mga komunidad sa lahat ng tool na aming ginagamit at bawa't madidiskubreng bagay.
Sa hinaharap, ibabahagi namin ang karagdagan tungkol sa kung paano ginagamit ng CPG itong mga tools na ito. Ang isang proyekto, TranslatED, ay nagsisiyasat kung paano makakatulong ang AI upang mas maraming tao ang makakalahok sa genetic na pananaliksik na gamit ang kanilang sariling wika. Ito ay isang paraan na ginagamit namin itong mga tools upang mabuksan ng malaki ang pag-access at hindi para pakitirin ito.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap..