Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting sampol ng dugo sa OurDNA, makakatiyak ka na kabilang ang iyong komunidad sa henetikong pananaliksik. Ito ay makakatulong na mapahusay ang medikal na pagtutuklas didiyagnosis, mapahusay ang paghulaprediksyon at paghahadlang ng sakit, at mapahusay ang paggagamot ng sakit.
Kung mayroon kang anumang katanungan, maaaring ngyaring kami ay tawagan.
To take part in OurDNA, you must:
Sign up on our website by clicking any "Join now" button. Follow the prompts to register online.
Once you have registered, read the consent information and complete the consent forms. There are five sections for you to complete before you can give blood.
Once you’ve given your consent, you can give blood by either:
If you’re at an OurDNA event, find a member of the OurDNA team so they can assist you with next steps.
If you’re giving blood at the pathology partner clinic located closest to you, an OurDNA team member will email you with your pathology form within 2 business days of your registration. They will provide you with more detailed information on how you can give blood.
If you’re located in Victoria, you can give blood at any Melbourne Pathology location. If you’re in New South Wales, you can give blood at any Douglas Hanly Moir Pathology location. You can give blood at any time during opening hours from Monday to Thursday. You don’t need to make an appointment to give blood.
There is no need for you to fast before giving blood. Please drink plenty of water before and after your donation!
Once you have given blood, you will receive a voucher to reimburse you for your time.
If you are at an OurDNA event, a team member will give this to you immediately after you have given blood.
If you are giving blood at your closest pathology partner location, an OurDNA team member will send you a voucher within 2 business days. You should receive the voucher in the mail within 2-3 business days.
As part of the consent process, you can also choose to receive updates on the research, outcomes, and impact of your involvement.
You can also stay in touch with us by following us on Instagram or Facebook, or by subscribing to our newsletter.

Sa pamamagitan ng pagsali sa OurDNA, makakatiyak ka na kabilang ang iyong komunidad sa henetiko na pananaliksik. Makakatulong ito sa pagpapahusay ng pagtuklas, prediksyon, paghahadlang at paggagamot ng sakit.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting sampol ng dugo, direkta kang nag-aambag sa mga pinagkukunan at database na ginagamit ng mga doktor at tagasaliksik upang maunawaan ang mga suliranin sa pangkalusugan na mahalaga para sa iyong komunidad.
Halimbawa, isang pagbabago o ikinaiba (variant) sa iyong DNA ang maaaring siyang dahilan ng sakit na iyong dinadala. Ang kaparehong pagbabago o ikinaiba (variant) sa isang tao na nagmula sa ibang komunidad ay maaaring napakakaraniwan at hindi nakakaapekto sa kanilang kalusugan. Ang mas maraming kaalaman tungkol sa mga pagbabago ng DNA sa iyong komunidad ay makakatulong sa pagpapahusay ng pagtuklas ng mga kondisyon sa kalusugan at matutukan ang paggagamot o kaya magawang mahadlangan pa sa darating na panahon.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:
Kapag sumali ka sa OurDNA at piniling tumanggap pabalik ng henetikong impormasyon, itong impormasyon ay makapagsasabi sa iyo ng bagay-bagay tungkol sa iyong kalusugan o ang ka-lusugan ng pamilya sa hinaharap.
Habang wala namang gastos upang malaman ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pananaliksik, kinakailangan namin ang pagiging kabilang sa Medicare upang matiyak na makaka-access ka sa mga serbisyong pangklinika kung sakaling may ibabalik kaming resulta. Kung ikaw ay nasasaklaw ng Medicare sa Australya, kalimitang wala o may kaunting gastos sa isang pagpapasangguni ng doktor para sa henetikong mga serbisyo sa kalusugan.
Maging anuman ang katayuan sa visa, isinasali lamang ng OurDNA ang mga taong saklaw ng Medicare sa panahon nang pagbibigay ng pagpayag. Kung hindi ka nakakatiyak sa iyong pagka-nararapat sa pagsali sa OurDNA, mangyaring makipag-usap sa isa sa mga miyembro ng pangkat sa pananaliksik.
Oo, makakasali ka sa OurDNA kung mayroon kang mga tattoo.
Hindi, makakasali ka lamang ng isang beses sa OurDNA. Ang bawa't kontribusyon ng tao ay pambihira at mahalaga ngunit kailangan namin ang maraming magkakaiba't-ibang tao na sumali para sa OurDNA upang makagawa ng pagkakaiba sa medikal na pananaliksik at pangkalusugang pangangalaga sa hinaharap.
Ang pagbibigay ng pagpayag sa pagsali sa OurDNA na programa ay ginagawa sa pamamagitan ng nakaseguridad na portal sa online. Makapagpaparehistro ka sa website sa pag-click ng “Join now” button o sa pamamagitan ng “OurDNA” app na nasa App Store o Google Play Store.
Ang online na portal ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa pagsali sa OurDNA at magpapaliwanag kung ano ang mangyayari sa iyong mga sampol ng dugo at DNA. May limang mga porma na kukumpletohin ka para sa pagbibigay ng iyong pagpayag:
Ang proseso ng pagpayag ay aabutin ng 20 minuto para makumpleto. Kung mayroon kang anumang katanungan, maaaring kami ay tawagan.
Ang OurDNA ay humihingi sa mga kalahok na magkumpleto ng sasagutin ang isang maikling set ng mga tanong upang matulungan kaming maunawaan ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa iyong kalusugan at kung ikaw ay dati ng mayroon, o kasalukuyang mayroon ng ilang mga kon-disyon sa kalusugan.
Itong impormasyon ay makakatulong sa mga doktor at tagasaliksik na mapag-aralan ang mga kondisyon sa kalusugan na maaaring karaniwan lang sa iyong komunidad, at makagawa ng mas malinaw na pagkukumpara sa pagitan ng mga pagbabago sa DNA at itong mga karaniwang kon-disyon. Makakatulong ito sa mga tagasaliksik na lumikha ng mas magaling na panggamit sa pag-tutukoy, pagkikilala at paggagamot ng mga kondisyon, tulad ng diabetes at sakit sa puso.
Kung sumali ka sa OurDNA, magbibigay ka ng sampol ng dugo sa isang kaganapan ng OurDNA o sa isa naming mga kaakibat na klinika ng pathology.
Ang ilan sa iyong sampol ng dugo ay gagamitin para kumolekta ng DNA at basahin ang iyong henetikong impormasyon. Ang iyong dugo, selyula ng dugo, impormasyon sa kalusugan at he-netikong impormasyon ay itatago at pag-aaralan para gawing madali ang kalusugan at medikal na pagsasaliksik sa hinaharap.
Kung plano mong magbigay ng sampol ng dugo sa isa naming kasosyo na klinika ng pathology, mangyaring bisitahin sila mula araw ng Lunes hanggang Huwebes.
Ang pagbibigay ng dugo sa pagitan ng Lunes hanggang Huwebes ay naka-katulong na magpatiyak na may pin-akamalakas na epekto ang iyong pagkasangkot. Ang ilang mga labora-toryo ay sarado pag-sabado at linggo at ang paghahatid ay mabagal din. Hindi namin magagarantiyahan na ang mga sampol na ibinigay sa Biyernes hanggang Linggo na makakabilang sa OurDNA maliban kung ito ay ibinigay sa isang ginanap na kaganapan ng OurDNA.
Kung sa sabado at linggo ka lang makakapagbigay ng sampol ng dugo, mangyaring i-tsek dito ang mga paparating na kaganapan ng OurDNA.
Ang aming kwalipikadong mga tagakolekta ng dugo ay kukuha lamang ng kaunting sampol ng dugo: 30 ml. Ito ay mas kaunti pa sa dalawang kutsarang likido!
Kung sumali ka sa OurDNA, makakahiling ka ng kopya ng iyong magaspang (‘raw’) na he-netikong mga datos. Ang iyong henetikong mga datos ay isang elektronikong ipinalabas na printa ng iyong DNA na ang mga programa ng kompyuter lamang ang makakabasa. Datapwa't, hindi ito lalabas na may kasamang sinulat na impormasyon tungkol sa iyong kalusugan, iyong kanunuan o iba pang mga katangian.
Sa karamihan, hindi man lahat, ang mga kasali sa OurDNA ay magkakaroon ng magaspang na henetikong mga datos na nalikha galing sa sampol ng kanilang dugo. Kung hiniling mo ito at mayroon kaming magaspang na mga datos, maibibigay namin ito sa iyo.
Kung mayroon kang anumang katanungan o gusto mo ng karagdagang impormasyon, mangyar-ing tawagan kami.
Kung pinili mong sumali sa OurDNA, magtatanong kami kung gusto mong makatanggap ng im-pormasyon pabalik tungkol sa anumang mga henetikong pagbabago na may masasabi sa iyong bagay-bagay tungkol sa kalusugan sa hinaharap o sa kalusugan ng iyong pamilya.
Mangyayaring kaunting tao lamang sa mga taong sumali sa OurDNA ang malamang na maka-tanggap ng ganitong klaseng resulta. Ang OurDNA ay mag-aalok lamang ng impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa henetiko na:
Itong impormasyon ay maaaring hindi magagamit sa loob ng ilang mga taon dahil ang mga mananaliksik ay kakailanganing pag-aralan ang henetikong impormasyon sa OurDNA upang matrabaho kung ano ang makakatulong na resulta ang maibabalik. Kung ikaw ay interesado sa genetic na pagsusuri para sa mga pakay ng kalusugan, mangyaring makipag-usap sa iyong doktor o sa isang propesyonal sa henetikong kalusugan.
Mag-aalok lamang ang OurDNA ng resulta sa mga henetikong pagbabago na mauunawaan ng mabuti, at kung saan may mga aksyon na magagawa ikaw at ang iyong doktor upang mapahu-say ang iyong kalusugan o mahadlangan ang isang kondisyon sa kalusugan (sakit)..
Makakabilang sa mga kondisyon ang:
Ang OurDNA ay hindi nagbabalik ng impormasyon sa kasalukuyan para sa mga sakit na tulad ng dementia, na kung saan maraming magkakaiba't-ibang kadahilanan ang kasangkot at wala kang magagawang malinaw na henetikong dahilan o magagawang aksyon.
Itong impormasyon ay ibabalik sa iyo ng taga-OurDNA na propesyonal sa kalusugan: halimba-wa, isang genetic counsellor. Ang mga genetic counsellor ay sinanay na sumuporta sa mga tao at pamilyang apektado ng o nasa peligro na magkaroon ng isang henetikong kondisyon sa ka-lusugan.
Ang OurDNA ay hindi nagbabalik ng impormasyon sa mga taong sumali tungkol sa henetikong kanunuan. Nauunawaan namin na ang mga tao ay mausisa tungkol sa kanilang kanunuan, ngunit tinatanggap din namin na may maraming ibang paraan para isipin ang tungkol sa pamilya, mga koneksyon at pagkakakilanlan.
Nais naming igalang ang pagkakilanlan at kultura ng lahat at ang misyon ng OurDNA ay upang gumawa ng mga pagtutuklas tungkol sa henetiko na mapapakinabangan ng lahat. Kung sumali ka sa OurDNA, makakapili kang kuhanin pabalik ang henetikong impormasyon na makapag-sasabi sa iyo ng bagay-bagay tungkol sa iyong kalusugan o ng kalusugan ng pamilya sa darat-ing na panahon.