Para sa mga mananaliksik at nagki-klinika

Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics, na isang pakikipagtulungan sa pagitan ng Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ng Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.

Nakikipagtulungan kami sa mga kaakibat na komunidad upang padamihin ang kumakatawan sa maramihang-kulturang komunidad ng Australya para sa mga mapagkukunan ng genomic at mga lagakan ng mga datos (database) na ginagamit sa pagdidiyagnosis ng at pagtutukoy sa mga sakit.

Itong pahina ay inihanda para sa mga mananaliksik at nagki-klinika. Kung bahagi ka ng isa naming komunidad ng OurDNA at nais malaman ang karagdagan tungkol sa programa, bisitahin ang pahina na Nagtatayo ng mas mabuting pagkukunan para sa kalusugan at medikal na pananaliksik.

 

Anong mga mapagkukunan ang aming binubuo?

Ang OurDNA Browser

Ang OurDNA Browser ay isang nakabukas na naa-akses na pangreperensya sa genome na database na dinisenyo para sa mga tagasaliksik at nagki-klinika upang gamitin sa pagtutukoy o pag-aaral tungkol sa mga kondisyon ng kalusugan (sakit). Walang ibinabahagi na indibidwal-na-lebel sa database na ito.

Inilunsad ang unang bersyon ng OurDNA Browser noong Agosto 2025.

 

Ang OurDNA Data

Ang OurDNA Data ay isang ligtas na bangko ng impormasyong biyolohikal at pangkalusugan upang suportahan ang aprubadong medikal na pananaliksik na tumutugon sa kriteryang binuo ng mga multikultural na tagapayo kasama ang OurDNA’.

Isa itong kontrolado ang pag-akses na lagakan tungkol sa genomic na impormasyon ng miyembro ng komunidad na di-matutukoy na lebel ng indibidwal para sa pananaliksik sa hinaharap na makukuha batay sa kanilang pagpayag. Walang kasamang mga personal na detalye ng mga taong lumahok dito sa OurDNA.
 

 

Ang mga OurDNA Samples

Ang OurDNA Samples ay isang ligtas na bangko ng dugo, selyula ng dugo at mga sampol ng DNA na ibinigay bilang donasyon para sa medikal na pananaliksik sa hinaharap.