Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:
Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maipasama ang mga grupo ng kanunuan (ancestry) na karaniwang wala sa medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.
Ang binubuong mga mapagkukunan sa henetiko ng OurDNA ay magbibigay kakayahan sa lahat ng mga Australyano sa mga hinaharap na henerasyon na makinabang galing sa mga nagawang pagsulong ng medikal na pananaliksik. Basahin ang karagdagan tungkol sa kung ano ang aming ginagawa dito.
Ang DNA (deoxyribonucleic acid) ay matatagpuan sa lahat na bahagi ng katawan, pati na sa dugo at laway. Ang DNA ay naglala-man ng mga henetikong instruksyon ng isang tao, karaniwan sa mga seksyon na tinatawag na genes.
Ang mga henetiko ay pag-aaral tungkol sa mga gene at ang kanilang mga ginagampanan sa mga paggalaw ng katawan.
Ang genomics ay pag-aaral sa genomes ng mga tao. Sa genomics, pinag-aaralan ng mga mananaliksik ang maraming genes nang sabay-sabay o mga genomes ng mga tao nang sabay-sabay.
Ang henetikong impormasyon ay naglalaman ng mga instruksyon na ginagamit ng mga katawan ng mga tao para lumago, lumaki at magtrabaho. Ang mga pagkaiba o ikinaiba sa henetikong impormasyon ay nakakaapekto sa kalusugan. Ang mga tao ay nagbabahagi ng ilan sa kanilang henetikong impormasyon sa kanilang mga kadugong kamag-anak, pati na sa mga magulang, lolo at lola, mga kapatid na lalaki at babae at mga anak.
Ang lahat ng mga gene o henetikong impormasyon ng isang tao ay tinatawag na genome.
Ang genetic o genomic na gamot ay gumagamit ng impormasyon ng iyong DNA para matuklasan o matukuyan ang mga kondisyon ng kalusugan at magabayan ang paggagamot nito o mahadlangan ito.