Sa pagtutulungan na kasama ang Australian Multicultural Health Collaborative, na isang inisyatiba ng Federation of Ethnic Communities’ Councils of Australia (FECCA), at ng Centre for Population Genomics ay naipagsama-samang naitatag ang OurDNA Multicultural Consultation Group.
Ang grupo ay binubuo ng mga tagapagtaguyod sa kalusugan na nasa kalagitnaan ng mga maramihangkultura na komunidad at kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga komunidad na nagmula sa East Africa, Middle East at North Africa, Oceania, at Southeast Asia.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:
Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
Nakikipagtulungan ang OurDNA sa maraming samahan ng komunidad upang malaman kung ano ang pinakamabisang paraan upang makalapit, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad na sumali sa Our DNA. Ang isang buong listahan na nakipagtulungan kami sa mga samahan ng komunidad ay makukuha sa pahinang ito.
Ang OurDNA at Centre for Population Genomics ay nakikipagtulungan din sa maraming mga kaakibat sa pananaliksik at industriya upang makatulong sa paghahatid ng mga benepisyo sa mga programa ng OurDNA.
Ang OurDNA ay nagbubuo ng mga henetikong mapagkukunan na makakabilang ang mga maramihangkultura na mga komunidad upang matiyak na ang lahat ay makikinabang sa mga pagsulong sa medikal na pananaliksik. Kabilang dito:
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga binubuong mapagkukunan, bisitahin itong pahina.