Mga magkasamang-dinisenyo na pahayag ng komunidad

Mahalaga ang magkasamang-dinisenyo para sa OurDNA. Ang aming mga workshop ay bahagi lamang ng isang proseso ng pakikipagtulungan sa mga miyembro ng komunidad upang matiyak na ang programa ay nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan.

Sa aming mga workshop, ang mga miyembro ng komunidad ay tumutulong na mai-angkop ang programa upang bumagay sa kanila. Sinasabi nila sa amin kung paano makakaugnay ang mga miyembro ng kanilang komunidad at kung ano ang mga pinakamabisang paraan para magawa ito. Sa magkasamang pagtutulungan, tinitiyak namin na ang OurDNA ay naihahatid sa paraang naaangkop para sa kanilang komunidad.

 

Komunidad na Filipino

Sa pakikipagtulungan sa komunidad ng Filipino sa Sydney at Melbourne, nakapagsagawa kami ng:

  • Dalawang sesyon para sa impormasyon
  • Tatlong kasamang-dinisenyo na mga workshop
  • Patuloy na pakikipagkonsultasyon at mga aktibidad para pataasin ang kamalayan

Komunidad na Vietnamese

Sa pakikipagtulungan sa komunidad ng Vietnamese sa Sydney at Melbourne, nakapagsagawa kami ng:

  • Dalawang sesyon para sa impormasyon
  • Dalawang magkasamang-dinisenyo na mga workshop
  • Patuloy na mga aktibidad para pataasin ang kamalayan

 

Mayroon ka bang mga katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.

Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:

  • East African (hal., Ethiopian, Kenyan, Mauritian, Somali, South Sudanese, at Suda-nese)
  • North African at Middle Eastern (hal., Assyrian, Chaldean, Egyptian, Iranian, Iraqi, Jordanian, Lebanese, Palestinian, Syrian, at Turkish)
  • Oceanian (hal., Fijian, Papua New Guinean, Samoan, at Tongan)
  • South-East Asian (hal., Cambodian, Filipino, Indonesian, Malay, Thai, at Vietnamese)

Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.

Habang hindi naman kami direktang nakikipagtulungan sa mga katutubong komunidad, kami ay aktibong miyembro ng ALIGN at CONNECT na consortia, pambansang pagkilos na pinangungunahan ng mga gawaing katutubo na nagtatrabaho upang bigyang kakayahan ang mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander sa henetikong panggamot at pananaliksik.

Nagbibigay kami ng teknikal na payo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng genomic data na maging naaayon sa bansa, nababagay sa kultura, etikal na pagtatago, pangangasiwa at pakikibahagi ng genomic data upang makinabang ang mga katutubong Australyano.