Mga kaganapan ng Komunidad

Paparating na mga kaganapan

Walang paparating na mga kaganapan

Mga nakaraang kaganapan

Mayroon ka bang mga katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.

Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:

  • Nasa mahigit 18 taong gulang
  • Mayroong Medicare
  • Makakapagbigay ng sampol ng dugo sa Victoria o sa New South Wales
  • Sariling pagtutukoy na mayroong kanunuan mula doon sa isa sa mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa mga hinetikong mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
  • Ang mga tao ay hindi makakasali kung sila ay o alinman sa kanilang malapit na kamag-anak sa pamilya ay may kilalang grabeng sakit sa henetiko, katulad ng cystic fibrosis o muscular dystro-phy. Hindi kabilang dito ang mga karaniwang sakit kagaya ng inflammatory bowel dis-ease, kanser o diabetes.

Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:

  • East African (hal., Ethiopian, Kenyan, Mauritian, Somali, South Sudanese, at Suda-nese)
  • North African at Middle Eastern (hal., Assyrian, Chaldean, Egyptian, Iranian, Iraqi, Jordanian, Lebanese, Palestinian, Syrian, at Turkish)
  • Oceanian (hal., Fijian, Papua New Guinean, Samoan, at Tongan)
  • South-East Asian (hal., Cambodian, Filipino, Indonesian, Malay, Thai, at Vietnamese)

Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.

Nakikipagtulungan ang OurDNA sa maraming samahan ng komunidad upang malaman kung ano ang pinakamabisang paraan upang makalapit, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad na sumali sa Our DNA. Ang isang buong listahan na nakipagtulungan kami sa mga samahan ng komunidad ay makukuha sa pahinang ito.

Ang OurDNA at Centre for Population Genomics ay nakikipagtulungan din sa maraming mga kaakibat sa pananaliksik at industriya upang makatulong sa paghahatid ng mga benepisyo sa mga programa ng OurDNA.