Sa mga darating na mga buwan, makikipagtulungan kami sa mga sumusunod na mga komunidad na kabibilangan ng mga miyembro ng komunidad na nasa programa ng OurDNA.
At plano naming makipagtulungan sa marami pang ibang mga komunidad na mula sa mga kinagisnang-kultura na African, Middle-Eastern, Oceanian at Southeast Asian. Kung bahagi ka ng isa sa mga komunidad na ito at interesado sa pakikipagsosyo sa amin, punuan ang expression of interest na pormang nakaugnay sa ibaba.
Are you part of one of our communities of focus? Are you interested in learning about and helping the OurDNA program to advance medical research that might benefit your community members? Please let us know by filling in this form. A member of the team will be in contact with you soon.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:
Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.
Ang pakay ng programa ng OurDNA ay upang maipasama sa henetikong representasyon ang mga taong mula sa isang tukoy, hindi sapat ang kinatawan na mga komunidad sa mga mapagkukunan na henetiko. Subali't, nauunawaan namin na ang ilang mga tao ay maaaring magpatukoy bilang bahagi ng isang kultural na komunidad, ngunit mayroong kakaibang pinagmulang henetiko.
Kung ikaw ay nagpapatukoy na mayroong kanunuan mula sa isa sa mga komunidad na aktibo kaming nakikipagtulungan, ngunit hindi ka nakakatiyak sa iyong pinagmulan o hindi mo alam, hinihimok ka namin na sumali.
Habang hindi naman kami direktang nakikipagtulungan sa mga katutubong komunidad, kami ay aktibong miyembro ng ALIGN at CONNECT na consortia, pambansang pagkilos na pinangungunahan ng mga gawaing katutubo na nagtatrabaho upang bigyang kakayahan ang mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander sa henetikong panggamot at pananaliksik.
Nagbibigay kami ng teknikal na payo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng genomic data na maging naaayon sa bansa, nababagay sa kultura, etikal na pagtatago, pangangasiwa at pakikibahagi ng genomic data upang makinabang ang mga katutubong Australyano.
Nakikipagtulungan ang OurDNA sa maraming samahan ng komunidad upang malaman kung ano ang pinakamabisang paraan upang makalapit, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad na sumali sa Our DNA. Ang isang buong listahan na nakipagtulungan kami sa mga samahan ng komunidad ay makukuha sa pahinang ito.
Ang OurDNA at Centre for Population Genomics ay nakikipagtulungan din sa maraming mga kaakibat sa pananaliksik at industriya upang makatulong sa paghahatid ng mga benepisyo sa mga programa ng OurDNA.