Ang OurDNA ay nakikipagtulongan sa mga komunidad na maraming kultura upang matiyak na makikinabang ang lahat ng mga Australyano mula sa mga pagsulong sa medikal na pananalisik at pangkalusugang pangangalaga. Sa pagsali sa OurDNA, matutulungan mong mapahusay ang pagtuklas, paggagamot at pangkalusugang pangangalaga para sa hinaharap na mga henerasyon.
Kung kabilang ka sa isa sa mga komunidad na nakikipagtulungan sa amin at sumali ka sa OurDNA, matutulungan mo ang mga tagasaliksik na:

Mas mabilis na matukoy ang mga pangkalusugang kondisyon

Maunawaan at matuk oy ang sakit sa iyong komunidad

Mapahusay ang kinabukasan ng pangkalusugang pangangalaga para sa mga taong may kapareho mong ninuno

Makagawa ng mga gamot at panggagamot sa hinaharap para sa lahat ng mga Australyano
Sa pamamagitan ng pagsali sa OurDNA, makakatiyak kang kabilang ang iyong komunidad sa henetiko na pananaliksik. Makakatulong ito sa pagpapahusay ng pagtuklas, prediksyon, paghahadlang at paggagamot ng sakit.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting sampol ng dugo, direkta kang nag-aambag sa mga pinagkukunan at database na ginagamit ng mga doktor at tagasaliksik upang maunawaan ang mga suliranin sa pangkalusugan na mahalaga para sa iyong komunidad.
Halimbawa, isang pagbabago o ikinaiba (variant) sa iyong DNA ang maaaring siyang dahilan ng sakit na iyong dinadala. Ang kaparehong pagbabago o ikinaiba (variant) sa isang tao na nagmula sa ibang komunidad ay maaaring napakakaraniwan at hindi nakakaapekto sa kanilang kalusugan. Ang mas maraming kaalaman tungkol sa mga pababago ng DNA sa iyong komunidad ay makakatulong sa pagpapahusay ng pagtuklas ng mga kondisyon sa kalusugan at matutukan ang paggagamot o baka magawang mahadlangan pa sa darating na panahon.
Ang OurDNA Browser ay isang masasaliksik, pampublikong database ng buod ng mga datos tungkol sa henetiko pagkakaiba (variant genetic). Makakatulong ito sa mga doktor at tagasaliksik na mas mahusay na maunawaan at matuklasan ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit).
Ligtas na itatago ng OurDNA Data ang impormasyon tungkol sa biyolohikal (biological) at kalusugan (health) ng mga taong sumali sa OurDNA para sa pananaliksik sa hinaharap.
Ang mga OurDNA Samples ay makakatulong upang mapadali ang paggawa ng pananaliksik sa pangkalusugan at medikal, na mapapakinabangan ng mga Australyanong komunidad sa hinaharap.

Basahin ang impormasyon sa pagpayag at kumpletohin ang mga porma ng pagpayag.

Bisitahin ang aming ka akibat na sentro sa pathology o dumalo sa isang kaganapan ng OurDNA upang magbigay ng kaunting sampol ng dugo.

Maaari mong piliin na tumanggap ng mga balita sa pananaliksik, mga resulta at epekto ng iyong pagkakasangkot.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Ang DNA (deoxyribonucleic acid) ay matatagpuan sa lahat na bahagi ng katawan, pati na sa dugo at laway. Ang DNA ay naglala-man ng mga henetikong instruksyon ng isang tao, karaniwan sa mga seksyon na tinatawag na genes.
Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.
Oo, ang proyektong OurDNA ay inaprubahan ng sertipikadong Human Research Ethics Com-mittee (HREC) ng Royal Children’s Hospital. Ang sanggunian ng aming etikong pagka-apruba ay: HREC/91986/RCHM-2023
Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa proseso ng mga etikong pag-apruba sa OurDNA, o nais makipag-usap sa isang independiyenteng tao ng pangkat ng tagasaliksik, maaari mong kontakin ang Director of Research Operations na nasa The Royal Children’s Hospital. Maaari mong tawagan ang Director sa (03) 9345 5044 o mag-email sa kanila sa rch.ethics@rch.org.au
Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:
Ang pagbibigay ng pagpayag sa pagsali sa OurDNA na programa ay ginagawa sa pamamagitan ng nakaseguridad na portal sa online. Makapagpaparehistro ka sa website sa pag-click ng “Join now” button o sa pamamagitan ng “OurDNA” app na nasa App Store o Google Play Store.
Ang online na portal ay magbibigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa pagsali sa OurDNA at magpapaliwanag kung ano ang mangyayari sa iyong mga sampol ng dugo at DNA. May limang mga porma na kukumpletohin ka para sa pagbibigay ng iyong pagpayag:
Ang proseso ng pagpayag ay aabutin ng 20 minuto para makumpleto. Kung mayroon kang anumang katanungan, maaaring kami ay tawagan.
Ang OurDNA ay nagbubuo ng mga henetikong mapagkukunan na makakabilang ang mga maramihangkultura na mga komunidad upang matiyak na ang lahat ay makikinabang sa mga pagsulong sa medikal na pananaliksik. Kabilang dito:
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga binubuong mapagkukunan, bisitahin itong pahina.