Sino ba kami

Nagbabago ang pamamaraan ng paggagamot ng mga doktor. Ang iyong DNA ay makakatulong sa kanila na mas maunawaan, matuklasan at matukoy ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit). Ito ay isang mabilis na lumalagong lugar at magiging isang karaniwang bahagi ng iyong pangkalusugang pangangalaga sa nalalapit na panahon.

Sa ngayon, maaaring milyon-milyong mga Australyano ay hindi makakatikim sa mga pagsulong na ito ng pangkalusugang pangangalaga. Ito ay sa dahilang ang mga Australyanong komunidad ay maraming kulang sa kinatawan sa mga mapagkukunan na inaasahan ng mga doktor at tagasaliksik upang matukoy at madiyagnosis ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit).

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maisama ang mga pangkat ng kanunuan (ancestry) na kalimitang nawawala sa mga mapagkukunan ng henetiko at mga medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.

Makakatulong itong mga mapagkukunan na gawing mas mahusay ang pangkalusugang pangangalaga para sa lahat ng mga Australyano - para sa iyo, sa iyong pamilya at sa iyong komunidad.

 

Ang Centre for Population Genomics

 

Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics.
Ang Centre for Population Genomics ay isang hindi-para-kumita na inisyatibang itinatag ng Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ng Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.

Anong mga mapagkukunan ang aming binubuo?

Ang isang database na masasaliksik, pampublikong lagakan ng mga datos (database) ng impormasyon sa henetiko (genetic)

Ang OurDNA Browser ay isang masasaliksik, pampublikong database ng buod ng mga datos tungkol sa ikinaibang henetiko (variant genetic). Makakatulong ito sa mga doktor at tagasaliksik na mas mahusay na maunawaan at matuklasan ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit).

Isang matatag na bangko ng impormasyon tungkol sa henetiko at kalusugan para sa medikal na pananaliksik sa hinaharap

Ang OurDNA Data ay ligtas na magtatago ng impormasyong biyolohikal (biological) at pangkalusugan (health) ng mga taong sumali sa OurDNA para sa pananaliksik sa hinaharap.

Isang nakaseguridad na bangkong lalagyan ng mga sampol ng dugo na bigay na donasyon para sa medikal na pananalisik sa hinaharap

Ang mga OurDNA Samples ay makakatulong na gawing madali ang paggawa ng pananaliksik sa pangkalusugan at medikal, na mapapakinabangan ng mga Australyanong komunidad sa hinaharap.

 

Makipagkita sa pangkat

Ang pangkat ng OurDNA ay may maalab na damdamin sa pagiging mapangkupkop at makatarungan sa medikal at pangkalusugang pananaliksik.

 

Ang aming mga kaakibat sa komunidad

Ang pakikipagtulungan sa mga komunidad ang pinakapusod ng misyon ng OurDNA. Sa tulong ng aming mga kasosyo sa komunidad, inaasahan namin na makakaugnay ang libo-libong mga Australyano na nagmula sa nagkakaiba't-ibang kinagisnang kultura at wika  na mga komunidad na maging bahagi ng OurDNA at hubugin ang hinaharap sa pangkalusugang pangangalaga.

Mayroon ka bang mga katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.

Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:

  • Maipasama ang mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa henetiko na pananaliksik (genomic research);
  • Galugarin ang pagkakagamit at katuturan ng genes ng tao sa kalusugan; at
  • Paghusayin ang pagtutuklas at paggagamot sa mga sakit na henetiko (genetic diseases).

Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maipasama ang mga grupo ng kanunuan (ancestry) na karaniwang wala sa medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.

Ang binubuong mga mapagkukunan sa henetiko ng OurDNA ay magbibigay kakayahan sa lahat ng mga Australyano sa mga hinaharap na henerasyon na makinabang galing sa mga nagawang pagsulong ng medikal na pananaliksik. Basahin ang karagdagan tungkol sa kung ano ang aming ginagawa dito

Ang OurDNA ay pinopondohan ng: 

  • Ang Centre for Population Genomics’ na mga institusyong nagtatag nito: Garvan Institute of Medical Research at Murdoch Children’s Research Institute
  • Mga taong nagbigay ng pera para sa aming pananaliksik
  • Ang pagpopondo para sa pananaliksik na ito ay ipinagkaloob din ng Australian Government’s Medical Research Future Fund (MRFF) grant 2015969 (CIA Daniel MacArthur; 2022-2027) gal-ing sa Genomics Health Futures Mission at ng National Health and Medical Research Council (NHMRC) investigator grant 2009982 (CIA Daniel MacArthur; 2022-2026). Ang mga nilalaman ng lathalaing materyal na ito ay nagsusulong kapanagutan ng mga may-akda at hindi naglalarawan sa mga pananaw ng Commonwealth of Australia o ng NHMRC.
  • Ang OurDNA na programa ay tumatanggap din ng suporta mula sa Google’s Digital Future Initia-tive. Basahin dito ang karagdagan tungkol sa pagtutulungang ito. 

Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.

Oo, ang proyektong OurDNA ay inaprubahan ng sertipikadong Human Research Ethics Com-mittee (HREC) ng Royal Children’s Hospital. Ang sanggunian ng aming etikong pagka-apruba ay: HREC/91986/RCHM-2023

Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa proseso ng mga etikong pag-apruba sa OurDNA, o nais makipag-usap sa isang independiyenteng tao ng pangkat ng tagasaliksik, maaari mong kontakin ang Director of Research Operations na nasa The Royal Children’s Hospital. Maaari mong tawagan ang Director sa (03) 9345 5044 o mag-email sa kanila sa rch.ethics@rch.org.au

Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:

  • East African (hal., Ethiopian, Kenyan, Mauritian, Somali, South Sudanese, at Suda-nese)
  • North African at Middle Eastern (hal., Assyrian, Chaldean, Egyptian, Iranian, Iraqi, Jordanian, Lebanese, Palestinian, Syrian, at Turkish)
  • Oceanian (hal., Fijian, Papua New Guinean, Samoan, at Tongan)
  • South-East Asian (hal., Cambodian, Filipino, Indonesian, Malay, Thai, at Vietnamese)

Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.

Habang hindi naman kami direktang nakikipagtulungan sa mga katutubong komunidad, kami ay aktibong miyembro ng ALIGN at CONNECT na consortia, pambansang pagkilos na pinangungunahan ng mga gawaing katutubo na nagtatrabaho upang bigyang kakayahan ang mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander sa henetikong panggamot at pananaliksik.

Nagbibigay kami ng teknikal na payo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng genomic data na maging naaayon sa bansa, nababagay sa kultura, etikal na pagtatago, pangangasiwa at pakikibahagi ng genomic data upang makinabang ang mga katutubong Australyano.

Nakikipagtulungan ang OurDNA sa maraming samahan ng komunidad upang malaman kung ano ang pinakamabisang paraan upang makalapit, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad na sumali sa Our DNA. Ang isang buong listahan na nakipagtulungan kami sa mga samahan ng komunidad ay makukuha sa pahinang ito.

Ang OurDNA at Centre for Population Genomics ay nakikipagtulungan din sa maraming mga kaakibat sa pananaliksik at industriya upang makatulong sa paghahatid ng mga benepisyo sa mga programa ng OurDNA.