Halina at magkasama nating hubugin ang hinaharap ng medikal na pananaliksik

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaunting sampol ng dugo, direkta kang nag-aambag sa mga pinagkukunan at database na ginagamit ng mga doktor at tagasaliksik upang maunawaan ang mga suliranin sa pangkalusugan na mahalaga para sa iyong komunidad.

Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:
  • Nasa mahigit 18 taong gulang
  • Mayroong Medicare
  • Sariling-pagtutukoy na may kanunuan mula sa isa sa mga sumusunod na komunidad: Filipino, Vietnamese, Lebanese, Tongan, Samoan o Fijian
  • May kakayahang magbigay ng sampol ng dugo sa Victoria o New South Wales
  • Ang mga tao ay hindi maaaring sumali kung sila ay o sinuman sa kanilang pinakamalapit na kapamilya ay may kilalang grabeng sakit na katulad ng cystic fibrosis o muscular dystrophy. Hindi kabilang dito ang mga karaniwang sakit kagaya ng inflammatory bowel disease, kanser o diabetes.

Mayroon ka bang mga katanungan?

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.

Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:

  • Maipasama ang mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa henetiko na pananaliksik (genomic research);
  • Galugarin ang pagkakagamit at katuturan ng genes ng tao sa kalusugan; at
  • Paghusayin ang pagtutuklas at paggagamot sa mga sakit na henetiko (genetic diseases).

Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.

Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maipasama ang mga grupo ng kanunuan (ancestry) na karaniwang wala sa medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.

Ang binubuong mga mapagkukunan sa henetiko ng OurDNA ay magbibigay kakayahan sa lahat ng mga Australyano sa mga hinaharap na henerasyon na makinabang galing sa mga nagawang pagsulong ng medikal na pananaliksik. Basahin ang karagdagan tungkol sa kung ano ang aming ginagawa dito

Upang makasali sa OurDNA, dapat kang:

  • Nasa mahigit 18 taong gulang
  • Mayroong Medicare
  • Makakapagbigay ng sampol ng dugo sa Victoria o sa New South Wales
  • Sariling pagtutukoy na mayroong kanunuan mula doon sa isa sa mga komunidad na hindi sapat ang kinatawan sa mga hinetikong mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
  • Ang mga tao ay hindi makakasali kung sila ay o alinman sa kanilang malapit na kamag-anak sa pamilya ay may kilalang grabeng sakit sa henetiko, katulad ng cystic fibrosis o muscular dystro-phy. Hindi kabilang dito ang mga karaniwang sakit kagaya ng inflammatory bowel dis-ease, kanser o diabetes.

Maging anuman ang katayuan sa visa, isinasali lamang ng OurDNA ang mga taong saklaw ng Medicare sa panahon nang pagbibigay ng pagpayag. Kung hindi ka nakakatiyak sa iyong pagka-nararapat sa pagsali sa OurDNA, mangyaring makipag-usap sa isa sa mga miyembro ng pangkat sa pananaliksik

Oo, makakasali ka sa OurDNA kung mayroon kang mga tattoo.

Hindi, makakasali ka lamang ng isang beses sa OurDNA. Ang bawa't kontribusyon ng tao ay pambihira at mahalaga ngunit kailangan namin ang maraming magkakaiba't-ibang tao na sumali para sa OurDNA upang makagawa ng pagkakaiba sa medikal na pananaliksik at pangkalusugang pangangalaga sa hinaharap.

Ang pakay ng programa ng OurDNA ay upang maipasama sa henetikong representasyon ang mga taong mula sa isang tukoy, hindi sapat ang kinatawan na mga komunidad sa mga mapagkukunan na henetiko. Subali't, nauunawaan namin na ang ilang mga tao ay maaaring magpatukoy bilang bahagi ng isang kultural na komunidad, ngunit mayroong kakaibang pinagmulang henetiko.

Kung ikaw ay nagpapatukoy na mayroong kanunuan mula sa isa sa mga komunidad na aktibo kaming nakikipagtulungan, ngunit hindi ka nakakatiyak sa iyong pinagmulan o hindi mo alam, hinihimok ka namin na sumali.

Kapag sumali ka sa OurDNA at piniling tumanggap pabalik ng henetikong impormasyon, itong impormasyon ay makapagsasabi sa iyo ng bagay-bagay tungkol sa iyong kalusugan o ang ka-lusugan ng pamilya sa hinaharap.

Habang wala namang gastos upang malaman ang impormasyong ito sa pamamagitan ng pananaliksik, kinakailangan namin ang pagiging kabilang sa Medicare upang matiyak na makaka-access ka sa mga serbisyong pangklinika kung sakaling may ibabalik kaming resulta. Kung ikaw ay nasasaklaw ng Medicare sa Australya, kalimitang wala o may kaunting gastos sa isang pagpapasangguni ng doktor para sa henetikong mga serbisyo sa kalusugan.