Ang aming mga kasosyo ay nagpapasimula ng pangangalap (recruitment) sa kanilang mga komunidad sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mga miyembro ng komunidad na sumali at makipagtulungan sa amin na mag-organisa ng mga OurDNA na kaganapan ng komunidad. Sa pamamagitan ng kanilang tulong, inaasahan namin na makaugnayan ang libo-libong mga nagkakaibat'-ibang kinagisnang Australyano na maging bahagi ng OurDNA at hubugin ang kinabukasan ng pangkalusugang pangangalaga.
Masinsinan din kaming nakikipagtulungan sa mga kinatawan mula sa sektor ng maramihang kultura na siyang nagpapayo sa amin tungkol sa mga pagdedesisyon sa malawakang programa. Kasama ang Australian Multicultural Health Collaborative, na isang inisyatiba ng Federation of Ethnic Communities' Councils of Australia, naipagsama-sama namin ang mga pangkat ng tagapayo: na tumutulong sa amin upang matiyak na ang mga karaniwang ikagagaling ng komunidad ang pinakasentro sa OurDNA, sa pagbibigay ng masasabi (input) sa mga bagay-bagay tulad ng kung paano kami nagbabahagi ng mga datos.
Are you interested in learning about and helping the OurDNA program to advance medical research that might benefit your community members? Please let us know by filling in this form. A member of the team will be in contact with you soon.

Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:
Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maipasama ang mga grupo ng kanunuan (ancestry) na karaniwang wala sa medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.
Ang binubuong mga mapagkukunan sa henetiko ng OurDNA ay magbibigay kakayahan sa lahat ng mga Australyano sa mga hinaharap na henerasyon na makinabang galing sa mga nagawang pagsulong ng medikal na pananaliksik. Basahin ang karagdagan tungkol sa kung ano ang aming ginagawa dito.
Ang OurDNA ay pinopondohan ng:
Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.
Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:
Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
Habang hindi naman kami direktang nakikipagtulungan sa mga katutubong komunidad, kami ay aktibong miyembro ng ALIGN at CONNECT na consortia, pambansang pagkilos na pinangungunahan ng mga gawaing katutubo na nagtatrabaho upang bigyang kakayahan ang mga taong Aborihinal at Torres Strait Islander sa henetikong panggamot at pananaliksik.
Nagbibigay kami ng teknikal na payo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng genomic data na maging naaayon sa bansa, nababagay sa kultura, etikal na pagtatago, pangangasiwa at pakikibahagi ng genomic data upang makinabang ang mga katutubong Australyano.