Nagbabago pamamaraan ng paggagamot ng mga doktor. Ang iyong DNA ay makakatulong sa kanila na mas maunawaan, matuklasan at matukoy ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit). Ito ay isang mabilis na lumalagong lugar at magiging isang karaniwang bahagi ng iyong pangangalagang pangkalusugang sa nalalapit na panahon.
Sa ngayon, maaaring milyon-milyong mga Australyano ang hindi nakakatikim sa mga pagsulong na ito ng pangkalusugang pangangalaga. Ito ay sa dahilang ang mga Australyanong komunidad ay maraming kulang sa kinatawan sa mga mapagkukunan na inaasahan ng mga doktor at tagasaliksik upang matukoy at matuklasan ang mga kondisyon sa kalusugan (sakit).
Ang OurDNA ay nakikipagsosyuhan sa mga komunidad upang maisama ang mga pangkat ng kanunuan (ancestry) na kalimitang nawawala sa mga mapagkukunan ng henetiko at mga medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.
Itong mga mapagkukunan ay makakatulong na mas mapabuti ang pangkalusugang pangangalaga para sa lahat ng mga Australyano — para sa iyo, sa iyong pamilya at iyong komunidad.

Basahin ang impormasyon sa pagpayag at kumpletohin ang mga porma ng pagpayag.

Bisitahin ang aming kaakibat na sentro sa pathology o dumalo sa isang kaganapan ng OurDNA upang magbigay ng kaunting sampol ng dugo.

Makakapili kang tumanggap ng mga update tungkol sa pananaliksik, mga resulta at epekto ng iyong kontribusyon.
Ang aming mga kasosyo sa komunidad ay tumutulong sa aming dumisenyo ng mga diskarte na tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga komunidad. Ang ibig sabihin nito ay nakikipagtulungan kami sa isang grupo ng mga miyembro ng komunidad upang makilatis kung paano ang pinakamahusay na paraang maabot, makausap at maanyayahan ang mga tao mula sa kanilang komunidad para sumali sa OurDNA.
Sa pagtutulungan, inaaasahan namin na makaugnayan ang libo-libong mga nagkakaibat'-ibang kinagisnang Australyano na maging bahagi ng OurDNA at hubugin ang kinabukasan ng pangkalusugang pangangalaga.
Komunidad
Komunidad
Komunidad
Komunidad
Komunidad
Komunidad
Nakipagtulungan kami sa mga doktor at mananaliksik upang matukoy sa mga database ng henetiko (genetic) kung aling mga komunidad ang mas higit na makikinabang sa lahat kung may mas mahusay na kumakatawan. Ngunit wala kaming intensyon na tumigil na lang diyan! Pakay namin na magbuo ng mga mapagkukunan na kumakatawan sa lahat ng mga Australyano pagsapit ng panahon.
Are you part of one of our communities of focus? Are you interested in learning about and helping the OurDNA program to advance medical research that might benefit your community members? Please let us know by filling in this form. A member of the team will be in contact with you soon.
Makipag-ugnayan sa amin kung hindi mo makita ang kasagutan na iyong hinahanap.
Ang OurDNA ay isang pangunahing proyekto ng Centre for Population Genomics. Ang Centre ay nakatatag upang:
Ang Centre ay isang hindi-para-kumita na pinagsamang inisyatiba ng dalawang pangunahing mga institusyon sa pananaliksik: ang Garvan Institute of Medical Research sa Sydney at ang Murdoch Children’s Research Institute sa Melbourne.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan sa mga komunidad upang maipasama ang mga grupo ng kanunuan (ancestry) na karaniwang wala sa medikal na pananaliksik. Nakikipagtulungan kami sa mga maramihangkultura na samahan, mga pinuno ng komunidad at mga komunidad upang makabuo ng mapagkukunan sa henetiko na maging kinatawan sa lahat ng mga komunidad.
Ang binubuong mga mapagkukunan sa henetiko ng OurDNA ay magbibigay kakayahan sa lahat ng mga Australyano sa mga hinaharap na henerasyon na makinabang galing sa mga nagawang pagsulong ng medikal na pananaliksik. Basahin ang karagdagan tungkol sa kung ano ang aming ginagawa dito.
Ang OurDNA ay nagbubuo ng mga henetikong mapagkukunan na makakabilang ang mga maramihangkultura na mga komunidad upang matiyak na ang lahat ay makikinabang sa mga pagsulong sa medikal na pananaliksik. Kabilang dito:
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga binubuong mapagkukunan, bisitahin itong pahina.
Ang OurDNA ay pinopondohan ng:
Ang OurDNA ay kasalukuyang pinondohan hanggang sa katapusan ng 2027. Layunin namin na magpatuloy sa aming ginagawa hanggang sa ang lahat ng mga komunidad ng Australya ay may sapat na kumakatawan at upang ang database at bangko ng sampol ng OurDNA ay magiging nandiyan at makukuhanan hanggang sa kayang itagal nito para sa mga mananaliksik.
Sa panahon ngayon, ang mga Australyano na nagmula sa mga sumusunod na mga grupo ng kanunuan ay kulang sa kinatawan o lubusang nawawala sa listahan ng mga henetiko na mapagkukunan:
Sinabi din sa amin ng mga Australyanong doktor na mahirap mahanap ang impormasyon tungkol dito sa mga pangkat ng kanunuan sa mga mapagkukunan at database na kanilang ginagamit para sa pagtutuklas ng mga kondisyon sa henetiko at kalusugan.
Ang OurDNA ay nakikipagtulungan na makaugnay ang mga komunidad na kulang ng kinatawan sa mga henetiko na mapagkukunan. Bisitahin ang pahinang ito para matingnan kung aling mga komunidad ang aktibo kaming nakikipagtulungan.
Ang DNA (deoxyribonucleic acid) ay matatagpuan sa lahat na bahagi ng katawan, pati na sa dugo at laway. Ang DNA ay naglala-man ng mga henetikong instruksyon ng isang tao, karaniwan sa mga seksyon na tinatawag na genes.
Ang gene ay isang seksyon ng DNA na naglalaman ng mga instruksyon ng katawan ng isang tao para lumago, lumaki at magtrabaho. Ang mga diperensya sa mga gene ay maka-katulong sa pagpapaliwanag kung ano ang magiging hitsura ng tao at kung paano ang magiging takbo ng kanilang mga katawan.
Ang henetikong impormasyon ay naglalaman ng mga instruksyon na ginagamit ng mga katawan ng mga tao para lumago, lumaki at magtrabaho. Ang mga pagkaiba o ikinaiba sa henetikong impormasyon ay nakakaapekto sa kalusugan. Ang mga tao ay nagbabahagi ng ilan sa kanilang henetikong impormasyon sa kanilang mga kadugong kamag-anak, pati na sa mga magulang, lolo at lola, mga kapatid na lalaki at babae at mga anak.
Ang lahat ng mga gene o henetikong impormasyon ng isang tao ay tinatawag na genome.
Ang genetic o genomic na gamot ay gumagamit ng impormasyon ng iyong DNA para matuklasan o matukuyan ang mga kondisyon ng kalusugan at magabayan ang paggagamot nito o mahadlangan ito.